MMDA, makikipag-ugnayan na sa PNP sa pagsasaayos ng trapiko tuwing may rally

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko tuwing may kilos-protesta lalo na sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay MMDA Acting Chair Romando Artes, ito ay para hindi na maulit ang nangyari noong Lunes na nagdulot ng buhol-buhol na trapiko ang rally ng transport group na MANIBELA.

Giit ni Artes, kahit na itanggi ng grupo ay malinaw na sila ang rason kung bakit bumigat ang trapiko sa Quezon City noong Lunes ng gabi na sinabayan pa ng buhos ng ulan.

Kaugnay nito, pinabulaanan ni Artes na walang MMDA enforcer ang nagmando ng trapiko sa lugar noong kasagsagan ng matinding trapiko.

Katunayan, nagdagdag pa nga sila ng mga enforcer sa lugar at hindi umalis hanggat hindi bumalik sa normal ang trapiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us