Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko kaugnay sa scam text message na nag-aanyaya na magbayad ng multa sa pamamagitan ng link.
Ayon sa abiso ng MMDA, ito ay isang scam at walang ganitong notice na ipinapadala ang ahensya.
Paalala ng MMDA sa publiko na huwag pindutin ang mga kahina-hinalang link upang makaiwas sa pagbibigay ng personal at sensitibong impormasyon.
Nanawagan din ang ahensya na kung mayroong natanggap na kahina-hinalang mensahe o post sa social media, maaaring tumawag sa MMDA Hotline 136 o magpadala ng mensahe sa kanilang official account upang maberipika ang impormasyon.| ulat ni Diane Lear