Opisyal nang idineklarang “insurgency-free municipality” ang San Fernando, Bukidnon sa Region 10.
Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), isinagawa ito matapos huling malansag ng militar ang Sub-Regional, Sentro-de-Gabidad (SRSDG) PEDDLER ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC).
Ang SRSDG PEDDLER ang huling yunit ng New People’s Army na kumikilos sa San Fernando.
Unang nabuwag ang Guerilla Front 55 noong Disyembre 14, 2021, at Sub-Regional Committee (SRC) 5 noong Disyembre 6, 2022.
Binigyang diin ng militar ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor sa pagkamit ng ganap na kapayapaan sa munisipalidad.
Asahan na rin ang paglago ng ekonomiya, ang social development, at ang kalidad ng pamumuhay ng mga naninirahan sa munisipalidad.
Hiniling din ng militar, sa mga residente at mga dating rebelde na panatilihin ang insurgency-free status, para sa ganap na kapayapaan at kaunlaran sa hinaharap. | ulat ni Rey Ferrer