Ayon sa Manila Electric Company (MERALCO), nangako ang Pioneer Float Glass ng 2 megawatts de-loading capacity, habang ang Anglo Watsons naman ay 2.3 megawatts.
Sa ilalim ng programang ito, kusang babawasan ng mga kumpanyang ito ang kanilang paggamit ng kuryente mula sa grid sa panahon ng Red Alert upang maiwasan ang rotational brownouts.
Sinabi naman ni Meralco Vice President Ma. Cecilia M. Domingo na ang mga commitment na ito ay patunay ng kanilang dedikasyon na makatulong sa pagpapagaan ng pasanin sa power grid.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 100 kumpanya na mayroong mahigit 500 megawatts de-loading capacity ang naka-enroll sa ILP sa buong franchise area ng Meralco.| ulat ni Diane Lear