Umakyat na sa ₱5.5-million ang halaga ng tulong na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa DSWD, tuloy-tuloy ang paghahatid nito ng family food packs at non-food items sa mga apektadong residente lalo na ang mga inilikas sa evacuation centers.
Kaugnay nito, umakyat pa sa higit 8,000 pamilya o 29,137 na indibidwal ang naapektuhan ng pagputok ng Mt. Kanlaon.
Malaki naman na ang nabawas sa bilang ng mga pamilyang nananatili pa sa evacuation centers.
Sa ngayon, nasa 1,260 pamilya na lang o 4,319 na indibidwal ang pansamantalang nananatili sa evacuation centers.
Patuloy naman ang koordinasyon ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan para sa karagdagang tulong na maaaring ibigay ng mga apektadong residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa