Nangungunang bangko sa Japan, handang tumulong sa fundraising initiatives ng PIlipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Finance (DOF) na handang makipagtulungan ng SMBC Mitsui at SMBC Nikko sa Pilipinas para makalikom ng pondo ang Pilipinas para sa mga proyekto nito.

Sa meeting ni DOF Secretary Ralph Recto at Sumitomo Mitsui Banking Corp at SMBC Nikko senior executives, tinalakay ng mga ito ang potential investment opportunities at partnership sa bansa.

Kabilang dito ang future issuances ng Samurai at US dollar bonds.

Kinilala naman ng SMBC ang magandang economic development ng Pilipinas sa rehiyon sa ilalim ng pamumuno ng Marcos Jr. Administration.

Ang SMBC ay matagal nang sumusuporta sa Pilipinas para sa international financing kabilang na ang Samurai bond issuances.

Ang SMBC at at SMBC Nikko ay top Japanese securities firm na may large-scale comprehensive securities broking and trading services. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us