Ayon kay Gatchalian, may mga ebidensya na silang sinusundan kaugnay sa pagkakasangkot din ni Guo sa POGO hub sa Porac bagamat hindi pa nila ito maisapubliko ngayon.
Malinaw rin para sa senador ang pagkakatulad ng POGO hub sa Porac at Bamban gaya ng pagkakagawa ng mga villa, gusali at ng buong compound.
Partikular na aniya ang pagkakaroon ng mga kumpletong pasilidad sa buong compound para hindi na kailanganin pang lumabas ng mga empleyado.
Maging ang operasyon aniya ng mga ito ay may pagkakatulad rin.
Pinunto rin ni Gatchalian na halos sabay na sinimulang ipatayo ang dalawang POGO hub noong 2019 at nagpatuloy ang konstruksyon kahit noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Nasa 10 ektarya ang POGO hub ng Lucky South 99 sa Porac at mayroon itong 46 na gusali.| ulat ni Nimfa Asuncion