Mataas pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon pang higit 300 pamilya o katumbas ng 1,400 indibidwal ang nananatili sa higit walong evacuation centers.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lugar na apektado na nakapaghatid na ng ₱2.4-milyong halaga ng humanitarian assistance.
Nasa halos isang milyon ang naipaabot sa mga munisipalidad ng Bago City, La Carlota City, La Castellana at Pontevedra sa Negros Occidental habang nasa ₱440,000 naman ang inilaan sa mga apektado sa Canlaon City, sa Negros Oriental.
Sa ngayon, mayroon pang ₱2.7-billion relief resources ang DSWD na binubuo ng stockpile at standby funds para umagapay sa mga apektado ng krisis. | ulat ni Merry Ann Bastasa