Nagpulong ngayong araw ang National Maritime Council na kung saan ay pinag-usapan ang mga huling insidente sa West Philippine Sea.
Sa pulong-balitaan sa Palasyo, inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na bumuo sila ng rekomendasyon na papaaprubahan nila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nagkasundo aniya ang Council na irekomenda ang magkaroon ng rotation at reprovision missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na gagawing routinary at iii-schedule ng regular.
Samantala, hindi naman itinuturing ng Palasyo na armed attack ang pangyayari nitong nakaraang Lunes.
Ayon kay Bersamin, maaring nagkaroon lamang ng misunderstanding o hindi pagkakaintindihan.
Dagdag ni Bersamin na lagi namang bukas ang pamahalaan para sa pag-usuap sa gitna ng pag-asang mareresolba din kung anoman ang nangyari kamakailan. | ulat ni Alvin Baltazar