Natitirang 3 LEDAC priority bills, kayang pagtibayin ng Kamara bago matapos ang taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisikapin ng House of Representatives na maaprubahan ang tatlong LEDAC priority bills na nakabinbin pa bago matapos ang taon.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, pinakahamon sa tatlong panukala ang amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na kasalukuyang nasa committee deliberation pa.

Kailangan kasi aniya isaalang-alang ang panig ng maraming stakeholders.

Ngunit target aniya nila na matapos ito bago ang Christmas break.

Kumpiyansa naman ang House leader na bago ang recess ng Kongreso sa Oktubre ay mapagtibay naman ang panukalang amyenda sa Agrarian Reform Law.

Habang isasabay aprubahan sa 2025 National Budget ang panukalang amyenda sa Foreign Investors’ Long-Term Lease Act na isinulong ni Senate President Chiz Escudero. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us