Lumagda sa Memorandum of Agreement ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw.
Layon ng naturang kasunduan na paigtingin ang kooperasyon at koordinasyon ng dalawang ahensya sa maritime law enforcement.
Sa ilalim ng MOA, magtutulungan ang NBI at PCG sa pagiimbestiga at prosecution ng maritime-related crimes.
Palalakasin din ng dalawang ahensya ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na sektor, organisasyon, at iba pang ahensya ng gobyerno upang mas mapaigting ang pagbabantay sa karagatan at baybayin ng bansa.
Pinangunahan nina NBI Director Medardo de Lemos at PCG Admiral Ronnie Gil Gavan ang paglagda sa MOA na ginanap sa tanggapan NBI sa Quezon City. | ulat ni Diane Lear