Pinag-iingat ni dating Senate President Manny Villar ang publiko sa kumakalat na investment scam gamit ang Deepfake.
Ayon sa negosyante, may mga nakarating sa kanya na mayroong mga nanghihikayat ng isang investment kung saan ginagamit ang kanyang larawan at boses.
Sa isang press statement, sinabi ng dating senador na hindi totoo na mayroon siyang bagong negosyo kung saan kailangan magbigay ng pera ang mga investor na may kapalit na malaking kita.
Sa panahon daw na ito, walang madaling pera o negosyo ang maaaring magbigay agad ng malaking kita.
Payo nya, kailangan ang sipag at tiyaga para mapalago ang perang puhunan.
Umaapela siya sa sinumang naalukan ng naturang investment na agad mag-report sa kinauukulan upang mahuli ang ganitong mga manloloko. | ulat ni Mike Rogas