Negros Occidental solon, ikinagagalak ang nakatakdang paglagda ni PBBM sa Negros Island Region Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labis ang pasasalamat ni Negros Occidental Representative Francisco “Kiko” Benitez sa nalalapit na pagsaaabatas ng Negros Island Region Act.

Sa isang pahayag,sinabi niya na isang makasaysayang araw para sa mga residene ng Negros Island ang nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa NIR Act ngayong araw.

Bubuoin ang NIR ng mga lungsod, munisipalidad, at mga barangay sa Negros Oriental, Negros Occidental at island province ng Siquijor.

“We thank President Marcos Jr. for his support of our dream of a separate administrative region for Negros Occidental, Negros Oriental and Siquijor. We are indebted also to the support of Speaker Ferdinand Martin Romualdez and our kasimanwa former Senate President Migz Zubiri, and the dedication of all Negros and Siquijor congressmen, and our champions in the Senate, especially our kasimanwa Senator JV Ejercito, who all worked together to shepherd the NIR bill,” sabi ni Benitez.

Sa paraang ito, mararamdaman ng mga Negrense ang mabilis at tuloy-tuloy na paglago ng kanilang ekonomiya at mailalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga taga-Negros.

Umaasa naman si Benitez na sa pagiging ganap nitong batas ay agad pupulungin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Technical Working Group na maglalatag ng institutional arrangements para sa transition.

“The establishment of NIR will bring government services celoser to the people of Negros Island and Siquijor, and facilitate integrated development planning towards inclusive, resilient and sustainable development in the region,” saad ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us