NFA Council, inaprubahan ang pagbenta ng lumang stocks ngunit magandang kalidad ng bigas sa P29

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayagan na ng National Food Authority (NFA) Council ang mungkahing pagbenta ng mga luma ngunit magandang kalidad ng NFA rice sa halagang P29 kada kilo.

Ayon kay Agriculture Secretary at NFA Council Chairperson Francisco Tiu Laurel, Jr. target na ibenta ang bigas sa mga vulnerable sector sa pamamagitan ng KADIWA Network.

Bagama’t ang bagong presyo ng NFA rice ay mas mataas kaysa sa dating presyo na P25 kada kilo, mababa pa rin ang diskwento nito sa umiiral na presyuhan sa merkado.

Ang NFA selling price ay itinaas sa moderate government subsidy para sa programa.

Binigyang-diin ni Tiu Laurel na tutugunan ng low-priced rice program ang minimum basic needs ng mga indibidwal na mababa sa poverty threshold.

Una nang tinawag na “Bigas 29” ang programa para sa persons with disability, solo parents, senior citizens at pati indigenous people.

Bawat benepisyaryo ay makakabili ng hanggang 10 kilo ng bigas kada buwan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us