Nalagpasan ng National Food Authority (NFA) ang upgraded target nito sa procurement ng palay para sa unang kalahati ng taon.
Ito’y kasunod ng desisyon ng NFA Council na taasan ang buying price at palakasin ang reserba ng bansa gayundin madagdagan ang kita ng mga magsasaka.
Sa datos ng NFA nakabili na ito ng halos 3.37 million na tig-50 kilos na bags ng palay na lagpas ng kaunti sa upgraded target na 3.36 million bags.
Katumbas ito ng 168,262 metric tons ng palay na umano’y sapat na para sa kabuuang inventory para sa apat na araw na pangangailangan ng buong bansa.
Tiniyak naman ni NFA Acting Administrator Larry Lacson na magpapatuloy ang palay procurement ng NFA sa mas mataas sa presyo bilang tugon at suporta sa mga magsasaka.
Bilang dagdag sa pagtaas ng presyo sa bilihan ng NFA nag-alok din ang Department of Agriculture ng iba’t ibang programa bilang tulong.| ulat ni Rey Ferrer