Sinabi ng National Food Authority (NFA) na patuloy ang kanilang isinasagawang procurement para sa buffer stock na bigas sa bansa.
Sa pulong ni House Speaker Martin Romualdez sa ilang rice industry stakeholders, sinabi ni NFA Acting Administrator Larry Lacson na target nilang pataasin ang kanilang “rice buffer stock“ bilang paghahanda sa La Niña phenomenon.
Base sa datos ng NFA, nasa 3.3 million bags ng palay ang kanilang nabili, mas mataas sa kanilang target na 3.08 million bags.
Sa panig naman Department of Agriculture, target nilang makamit ang 3.64 million metric tons na rice inventory bago matapos ang taon.
Ayon kay Lacson, binibili nila ang clean and dry palay sa pinakamababang presyo nito na ₱24 at ₱30 naman sa pinakamataas na halaga habang ang fresh and wet palay ay nasa ₱20-₱30.
Diin ni Lacson, patuloy ang pagsisikap ng NFA na ipatupad ang mandato nito na tiyakin na may sapat na bigas at pagkain sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes