Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang kahandaan nitong tumanggap ng karagdagang generation capacity kasunod ng pagkumpleto ng mga proyektong magpapalakas sa transmission backbone.
Ito ay upang matugunan ang lumalaking demand ng kuryente sa bansa.
Ayon sa NGCP, bukod sa pagpapalakas ng kanilang transmission network, ang mga nakumpletong backbone projects ay nagbibigay-daan sa NGCP na magkaroon ng espasyo para sa karagdagang generation capacity.
Kabilang sa mga natapos na proyekto ang Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV Transmission Line, Cebu-Negros-Panay 230kV Transmission Backbone, Mindanao-Visayas Interconnection, at Mindanao 230kV Transmission Backbone extensions.
Nanawagan din ang NGCP ng whole-of-government approach upang matugunan ang lumalaking demand ng kuryente.
Inaasahan kasing dodoble ang peak requirement ng bansa sa susunod na 12 taon.
Dagdag ng NGCP, upang masiguro ang sapat na supply ng kuryente, kailangang doblehin ng bansa ang kasalukuyang power output nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga power plant. | ulat ni Diane Lear