NTC, pinag-iingat ang publiko laban sa mga nagpapanggap na empleyado ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ngayon ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa mga manlolokong nagpapanggap na empleyado ng ahensya.

Ayon sa NTC, may natatanggap itong mga ulat tungkol sa mga scammer na nagpapanggap diumano na tauhan o empleyado ng komisyon.

Tumatawag pa aniya ang mga ito sa biktima at tatakutin na ang numero nito ay sangkot sa isang scam.

Sunod na hihikayatin ang biktima na magbigay ng pera upang hindi na masampahan ng kasong kriminal at matanggal sa listahan ng mga nang-iiscam ang numero nito.

Nagpaalala ngayon ang NTC sa publiko na ibayong pag-iingat ang gawin mula sa ganitong uri ng modus.

Hinikayat din nito ang publiko na ipagbigay alam agad sa kanila kung may impormasyon sa ganitong uri ng scam. Maaaring magsumbong sa a) complaint link sa www.ntc.gov.ph; b) pag-email sa [email protected], [email protected]; c) pagtawag sa 1682 (24/7 consumer hotline) at sa mga numerong 89204464, 89267722 & 89213251 (mula 8:00am hanggang 5:00pm, Lunes hanggang Biyernes). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us