OCD, magsasagawa ng symposium ngayong araw para sa paghahanda sa inaasahang pagtama ng “The Big One”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na manood at makiisa sa ikinasa nilang symposium o pag-aaral.

Ito’y para malaman ng lubusan ang mga paghahanda hinggil sa inaasahang pagtama ng “The Big One” partikular na sa Metro Manila.

Dito, tatalakayin ang iba’t ibang paksa upang maunawaan ang epektong dulot sakaling tumama ang Magnitude 7.2 na lindol.

Gayundin ang mga planong inihanda ng Pamahalaan, ang pagtugon na gagawin ng Greater Metro Manila Command and Control gayundin ang mahahalagang usapin na may kinalaman sa Building Code of the Philippines.

Para sa mga intresado, maaaring bisitahin ang Facebook page ng OCD at magparehistro gamit ang QR Code.

Ang nasabing aktibidad ay bilang paghahanda na rin para sa nalalapit na 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gagawin bukas, June 28, ganap na alas-2 ng hapon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us