OCD, nananatiling naka “blue alert” para sa Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na ipinapairal ng Office of Civil Defense ang kanilang “blue alert” status habang tumutugon sa mga pangangailan ng mga rehiyong apektado ng pagputok ng bulkang Kanlaon noong Hunyo 3.

Sa programang “Bagong Pilipinas Ngayon” ng PTV-4, sinabi ni OCD spokesperson Director Edgar Posadas na saklaw ng “blue alert” ang NDRRMC Operations Center sa Camp Aguinaldo at ang kanilang mga Regional Office sa Region 6 at 7.

Paliwanag ni Posadas, ang “blue alert” status ay nangangahulugang 50 porsyento ng mga tauhan at kagamitan ay handa para sa agarang deployment.

Ito aniya ay para masiguro na maayos ang koordinasyon sa National at Local level, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, at OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us