Maaari nang mag-avail online ng mga serbisyo ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang mga seafarer at stakeholder nito simula sa July 1.
Ito ay bahagi ng pagsisikap ng ahensya na gawing mas mabilis at maginhawa ang mga proseso at aplikasyon na may kinalaman sa maritime industry.
Ayon kay MARINA NCR Director Engr. Marc Anthony Pascua, ang online services ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing digital ang mga transaksyon sa gobyerno.
Sa pamamagitan ng QR code, madali nang mache-check ng mga partner agencies ng MARINA, tulad ng Philippine Coast Guard (PCG), ang authenticity ng mga dokumento.
Bukod sa online services, ipinanukala rin ng MARINA ang pagpapalakas ng kanilang organisasyon at pagtatayo ng mga extension office sa 2025 upang mas mapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga Pilipinong marino.| ulat ni Diane Lear