OPAPRU at WestMinCom, magtutulungan laban sa loose firearms sa BARMM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalakas ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) at Western Mindanao Command (Westmincom) ang kanilang kooperasyon sa pagsulong ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Program kontra sa loose firearms sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang tinalakay sa Brigade Commanders’ Forum on SALW Management Program, sa Cagayan de Oro City noong nakaraang linggo, na inorganisa ng Joint Normalization Committee-Government of the Philippines (JNC-GPH).

Katulong ng pamahalaan sa pagpapatupad ng program ang United Nations Development Programme (UNDP), na sinimulan ang Assistance for Security, Peace, Integration and Recovery for Advancing Human Security in BARMM (ASPIRE) SALW Project noong October 5, 2023, sa Basilan.

Inaasahan itong ipatutupad sa iba pang mga lalawigan ng BARMM sa mga darating na buwan.

Binati naman ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang pamahalaang panlalawigan ng Basilan sa pagiging magandang ehemplo sa pagpapatupad ng SALW program. | ulat ni Leo Sarne

📸: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us