OVP, nagbigay ng tulong sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Aghon sa Laguna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Aghon sa Pagsanjan, Laguna.

Ito ay matapos na matanggap ang liham ng OVP Disaster Operations Center mula sa Pagsanjan, Laguna LGU.

Nasa 1,700 relief boxes ang ipinamahagi ng OVP sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga apektadong residente at ng lokal na pamahalaan sa agarang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Matatandaang noong nakaraang linggo, namahagi rin ang OVP ng 2,000 non-food items relief bags sa anim na barangay na labis na naapektuhan ng Bagyong Aghon sa Lucena City, Quezon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us