OWWA, agad nagbigay-tulong sa OFWs na naapektuhan ng nangyaring sunog sa bansang Kuwait

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agarang nagbigay ng tulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa tatlong kababayan nating overseas Filipino workers (OFW) na napabilang sa nasunog na isang residential area sa Kuwait.

Sa tatlong OFW, dalawa sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon nang isinugod sa pagamutan, dulot ng malaking sunog na tumupok sa isang residential building sa Kuwait nitong Miyerkules.

Sa kabuuan, 11 OFWs ang naapektuhan ng sunog.

Bukod sa tatlong nasa ospital, ligtas na ang tatlo pang OFWs samantalang inaalam pa ang status ng lima pang Pinoy.

Tiniyak ni OWWA Administrator Arnell Ignacio, na nakatutok ang mga kawani ng OWWA sa Kuwait sa kalagayan ng tatlong Pilipinong nasa ospital upang agad na maibigay ang kinakailangang tulong ng mga biktima.

Nakausap na rin ng OWWA ang kaanak ng tatlong Pinoy sa Pilipinas upang tiyakin na maibibigay ang kanilang mga pangangailangan sa panahong ito. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us