Package rate para sa hemodialysis, itinaas na sa P4,000 kada session

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagtataas ng package rate sa Hemodialysis.

Ito ang ibinalita ni Secretary of Health at PhilHealth Board Chairperson Teodoro Herbosa, matapos itong ipag-utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr., at mungkahi na rin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon kay Herbosa, inaprubahan ng PhilHealth Board ang recommendation ni Benefits Committee Chairperson OIC Assistant Secretary Albert Domingo na gawing P4,000 mula sa kasalukuyang P2,600 per session ng hemodialysis.

Mabilis ding inaprubahan ng Board ang catheter insertion at blood transfusion payments kung saan maaari itong makuha ng hiwalay mula sa main case rate for admission.

Ang aksyon na ito ng PhilHealth ay bilang pagtugon sa ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand R. Marcos Jr., na magiging libre na ang dialysis sa mga Filipino.

Sa isinagawang regular meeting kanina ng PhilHealth Board En Banc, tinalakay din ang pagpapataas ng financial coverage para sa Renal Replacement Therapy na kasama ang Hemodialysis at Peritoneal Dialysis.

Ang Renal Replacement Therapy ang may kakayahan para gamutin ang kidney failure.

Pero ang paraan na ito ay para hindi pagalingin ang isang pasyente kundi para lamang mapahaba ang buhay nito.

Dahil hangad ng Pangulo, bumuo rin ang Department of Healrh ng PuroKalusugan na ang layunin ay palakasin ang Healthcare sa mga komunidad.

Pinapalakas na rin ng PhilHealth ang iba pa nitong programa at kakayahan sa financial coverage ng Primary Care para sa nationwide Konsulta package. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us