Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang palawigin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para maisama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed sa listahan ng mga benepisyaryo.
Sa sectoral meeting sa Malacañang nitong Martes, binigyan ng ‘go signal’ ng Pangulo ang proposal na ito ng DSWD kung saan present din si DSWD Sec. Rex Gatchalian.
Ayon kay Sec. Gatchalian, magsisilbi itong incentive para sa mga benepisyaryo nang sila ay mahikayat na tangkilikin ang mga serbisyong pangkalusugan na magiging tugon rin sa malnutrisyon at stunting.
“This will serve as an incentive for them to have this what we call health-seeking behavior which means they will be motivated to go to the health center, register, avail of pre-and post-natal care, and post-partum treatment, including immunization for their 0 to 2 year old children,” Secretary Gatchalian.
Paliwanag naman ng kalihim, ang proposed grant na ito ay para lamang sa 4Ps subset beneficiaries na buntis, nagpapasuso at may anak na nasa edad 0 to 2, at ito ay pansamantala lamang. | ulat ni Merry Ann Bastasa