Inaasahang iuulat ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang magandang resulta ng trabaho ng mga pulis sa estado ng peace and order sa bansa sa Command Conference ngayong hapon sa Camp Crame na pangungunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, kasabay ng pagsabi na maganda ang kasalukuyang Security coverage sa bansa.
Kaugnay nito, iniulat ni Fajardo na bumaba ang crime rate sa bansa ng 18.3 porsyento sa 12,937 insidente mula Enero hanggang Mayo 17 ng taong kasalukuyan kumpara sa nakalipas na panahon noong nakaraang taon na may 15,834 insidente.
Sinabi ni Fajardo na ang patuloy na pagbaba ng krimen, ay hindi lang dahil sa pagsisikap ng PNP, kundi dahil narin sa tulong ng iba’t ibang Law enforcement agencies, at mga force multiplier, tulad ng mga baranggay tanod. | ulat ni Leo Sarne