Positibo ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa maidudulot ng bawas na taripa ng imported na bigas sa food inflation.
Ginawa ni BSP Governor Eli Remolona ang pahayag sa kanyang pagharap sa media kung saan tinalakay nito ang pinakahuling monetary board policy meeting ng Sentral Bank.
Ayon kay Remolona, magkakaroon ng “significant second round effects” ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado sa pagkalkula ng inflation expectation.
Anya, dahil sa inilabas na Executive Order 62, nagbago ang “balance of risk” sa inflation outlook kung saan bababa ito ngayong 2024 at 2025.
Sa pagtaya naman ng BSP, nasa 14.8 percent ang maibababa sa presyo ng bigas ngayong tinapyasan na ang taripa ng imported rice. | ulat ni Melany V. Reyes