Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo sa centralized system, para sa detecting at reporting ng mga kaso ng online sexual abuse sa mga kabataan.
“Hindi lamang ang pulis ang gagalaw dito; ito ay inter-agency. Ito ay pinagsama-samang lakas ng gobyerno. Nandirito ang kapulisyahan, Department of Justice para sila ang magpo-prosecute, ang DSWD at iba pang ahensiya tungkol rito. Lahat ay gagalaw rito, at importante rito, of course, iyong pagsu-sumbungan sa pinakababa, sa barangay level.” -Secretary Abalos.
Ang hakbang na ito ayon sa Pangulo ay sumasalamin lamang sa commitment ng pamalaan na protektahan ang mga kabataang Pilipino.
Sa press brieifing sa Malacañang, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ipinag-utos rin ng Pangulo ang whole-of-government approach upang tuldukan ang mga insidente ng pang-aabuso sa mga kabataan.
Dahil dito, palalakasin aniya hanggang sa barangay level ang pagtugon sa mga kasong ito.
“Kaya napag-usapan kahapon at gagawin po natin, ika-capacitate po ito. In fact, ilalagay rin po natin ito as part of the seal of good local governance. Lalagyan po natin ng tinatawag na parameters ito sa lahat ng mga barangay at local government units sa buong Pilipinas.” -Secretary Abalos.
Sabi ng kalihim, maglalabas ng local ordinance ang mga barangay para sa implementasyon ng mga hakbang upang labanan at tugunan ang OSAEC at CSAEM sa bansa.
“Kaya napag-usapan kahapon at gagawin po natin, ika-capacitate po ito. In fact, ilalagay rin po natin ito as part of the seal of good local governance ‘no. Lalagyan po natin ng tinatawag na parameters ito sa lahat ng mga barangay at local government units sa buong Pilipinas. Iyan po ay imamandato ng DILG na sila ay magkaroon ng mga seminars dito.” -Secretary Abalos.| ulat ni Racquel Bayan