Welcome sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang appointment ng bagong commissioner na si Rogelio Quevedo.
Si Quevedo ang papalit sa namayapang si Commissioner Dominic Guevara.
Ayon SEC Chairperson Emilio Aquino, malaki ang ambag ng bagong commissioner sa ahensya sa kanyang dekadang karanasan sa corporate law at government service.
Makatutulong aniya si Quevedo na tuklasin ang emerging trends sa business sector.
Si Quevedo ay nagsilbi bilang tagapamuno ng Office of the Government Corporate Counsel, Metropolitan Waterworks and Sewerage System Board, Presidential Management Staff at Office of the Ombudsman. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes