Malugod na tinanggap ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng National Amnesty Commission (NAC) at Philippine National Police (PNP) na magsusulong ng Amnesty program ng adminstrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga dating rebelde.
Sa kanyang mensahe ng pagsuporta, binigyang diin ni Secretary Galvez ang kahalagahan ng “partnership” ng NAC at PNP sa pagsulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.
Ang kasunduan ay nilagdaan kahapon sa Philippine International Convention Center ni NAC Chairperson Leah C. Tanodra-Armamento, Commissioner Jamar M. Kulayan, Commissioner Nasser A. Marohomsalic; kasama sina Police Lieutenant General Michael John F Dubria na kumatawan kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, at Police Colonel Joseph R Arguelles.
Alinsunod sa kasunduan, tulutulong ang PNP sa “vetting” ng mga aplikante para sa amnestiya.
Kasabay nito, kikilalanin din ng PNP ang mga safe conduct pass na ipagkakaloob ng NAC sa mga aplikante, upang mapanatag ang kanilang loob na hindi sila aarestuhin habang pinoproseso ang kanilang aplikasyon, maliban para sa mga krimen na hindi saklaw ng amnestiya. | ulat ni Leo Sarne
Courtesy of NAC