Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pangamba sa “depreciation” ng Philippine Peso.
Pagtitiyak ng BSP, ito ay panandalian lamang at walang malaking impact sa Balance of Payment ng bansa.
Ayon kay BSP Monetary Policy Sub-Sector Assistant Governor Illuminda Sicat, base sa datos ng Central Bank nag-depreciate ng 2 percent ang Piso sa unang quarter ng 2024 pero mas mataas pa rin ang halaga nito kumpara sa fourth quarter ng 2023.
Ang Peso average ay sa P55.96 sa 1st quarter habang nasa P56.06 ito nuong December ng 2023.
Paliwanag ng opisyal, “temporary” lamang ito kasunod ng monetary policy stance ng US Federal Reserves kung saan dine-delay nito ang kanilang policy rate reduction.
Diin si Sicat, inaasahan pa rin ng BSP na magkakaroon ng post surplus ang bansa na $1.6 billion sa kabila ng depreciation.| ulat ni Melany V. Reyes