Inirekomenda na ni Chairperson George Erwin Garcia sa En Banc ng Commission on Elections (Comelec) na ilagay sa kanilang website ang pangalan ng mga kandidato dalawang linggo matapos ang huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC).
Sa kanyang sulat, hiningi niya sa commissioners na aprubahan nito ang kanyang panukala upang maging transparent sa publiko ang pangalan ng mga kandidato.
Layunin nito na maagang masuri ng mga botante ang pangalan ng mga kakandidato sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.
Sabi ni Garcia, ngayon pa lamang ito gagawin ng Comelec dahil sa mga nagdaang election ay hindi ipinapaskil ang pangalan ng mga kandidato sa website ng Komisyon.
Ito na rin daw ang paraan upang masuri agad kung totoo ba ang mga detalye na inilagay ng mga kandidato sa kanilang certificate of Candidacy. | ulat ni Michael Rogas