Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang “launching ceremony” para sa BRP Miguel Malvar (FF-06) sa Ulsan, South Korea noong Martes.
Ang BRP Miguel Malvar ay isa sa dalawang brand-new guided missile corvette na kinontrata ng DND sa Hyundai Heavy Industries (HHI) ng S. Korea sa kabuuang halagang P28 bilyong, noong Disyembre 28, 2021.
Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Sec. Teodoro ang commitment ng DND na makipag-“partner” sa mga kumpanya mula sa mga bansang “strategically aligned” sa Pilipinas.
Tinukoy din ng kalihim ang subok na kalidad at “reliability” ng mga produkto ng South Korea, at sinabing ang mga kagamitang kukunin ng Pilipinas sa hinaharap ay tutugma sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept.
Nagpasalamat din ang kalihim sa Korean Government sa kanilang pagsuporta sa posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea, partikular sa pagtutol sa mga ilegal na aksyon ng People’s Republic of China. | ulat ni Leo Sarne