Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka at mangingisda na gagawa ng paraan ang pamahalaan para mapalaki ang kanilang mga kita.
Ayon sa Pangulo, pagtutuunan nila ng pansin ang nasabing bagay kasama na kung paano mapapaganda ang produksiyon ng mga produktong pagkain.
Inilatag din ng Pangulo ang mga hakbang ng pamahalaan hinggil sa pagtatatag ng mga bago at makabagong irrigation facilities habang aayusin din aniya ang mga imprastrakturang kailangan ng sumailalim sa renovation.
Dagdag ng Pangulo na aayusin din ng pamahalaan ang agricultural logistics at supply chains.
Bukod pa dito ang pagdaragdag ng farm-to-market roads gayundin ang pagtatayo ng post-harvest facilities upang mas maging maayos at mabilis ang paghatid ng mga produkto sa merkado. | ulat ni Alvin Baltazar