Itatayo na sa bayan ng Rodriguez sa Rizal ang proyektong” Pabahay sa Bagong Montalban”.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), gagawin ito sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Target na itayo ang pitong five-story building sa Pahati Compound, Barangay Burgos.
Aabot sa 480 pamilya ang inaasahang magiging benepisyaryo ng pabahay project.
Pormal nang isinagawa ang groundbreaking ceremony sa project site na pinangunahan ni DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, Rodriguez Mayor Ronnie Evangelista at iba pang opisyal. | ulat ni Rey Ferrer