Pagpapatupad ng temporary ban sa importasyon ng karne ng baka, pinaboran ng mga nagtitinda sa Marikina Public Market

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pabor sa mga nagtitinda ng karne ng baka sa Marikina City Public Market ang ipinatupad na temporary ban ng Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng mga imported cattle meat products.

Ayon kay Mang Rody, isa sa mga nagtitinda ng karne ng baka, lubhang natatalo kasi ng mga imported na karne ng baka ang kanilang mga produkto lalo’t bultuhan kung bilhin ito ng mga may-ari ng malalaking restaurant.

‘Di hamak kasi aniyang mas mura ang imported na cattle meat kumpara sa mga lokal na karne ng baka na kadalasang hinahango sa Batangas o Nueva Ecija.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, bagaman mahal na ay lalo pang tumaas ang presyo ng baka dahil sa mataas na transportation cost dulot ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang kadera ay nasa ₱360 ang kada kilo habang ang lomo na mas mainam na pang-beef steak ay nasa ₱420 ang kada kilo mula sa dating ₱410 ang kada kilo.

Una nang inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang temporary ban ay bahagi ng pag-iingat upang hindi makapasok sa bansa ang mga karneng kontaminado ng Mad Cow Disease. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us