Pinangasiwaan ng Department of National Defense ang ika-9 na pagpupulong ng Joint Defense Working Committee (JDWC) ng Pilipinas at Brunei.
Malugod na tinanggap ni DND Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito M. De Leon na siyang co-chairman 9th JDWC Meeting, ang delegasyon ng Ministry of Defense ng Brunei Darussalam na pinangunahan ni retired Brigadier General Dato Seri Pahlawan Haji Alirupendi bin Haji Perudin, ang Defense Permanent Secretary.
Sa kanilang pagpupulong noong nakaraang linggo, pinasalamatan ni Usec. Deleon ang Brunei sa kanilang papel sa pagtatagag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng International Monitoring Team (IMT), at Independent Decommissioning Body (IDB); gayundin sa pagsulong ng lokal na ekonomiya ng rehiyon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa Islamic banking, at edukasyon.
Nagkasundo ang dalawang opisyal na palawigin ang ugnayang pandepensa ng dalawang bansa bilang magkapit-bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at “security partners” sa pagtataguyod ng international Law at kapayapaan at seguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of DND