Pagsasanay ng Philippine Army at US Army Pacific sa Nueva Ecija, matagumpay na nagtapos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na nagtapos kahapon ang sabayang pagsasanay sa pagitan ng Philippine Army at US Army Pacific (USARPAC) na Joint Pacific Multinational Readiness Center-Exportable (JPMRC-X), sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido kay US Army 25th Infantry Division Commanding General Maj. Gen. Marcus Evans, sa patuloy na suporta sa capability development at capacity building ng Philippine Army sa pamamagitan ng edukasyon.

Ayon kay Galido, ang pagsasagawa ng nabanggit na ehersisyo sa bansa ay nagpatatag sa ugnayan ng dalawang hukbo sa pagtugon sa nagbabagong security landscape.

Ang kauna-unahang pagsasagawa ng
JPMRC-X Exercise sa bansa ay naging pagkakataon para i-expose ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa mga scenario na sumubok sa kanilang kakayahang magsagawa ng large-scale combat sa iba’t ibang kapaligiran.  | ulat ni Leo Sarne

📸: SSg Cesar Lopez

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us