Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pagbisita ni Right Honorable Winston Raymond Peters PC, Deputy Prime Minister (DPM) and Minister of Foreign Affairs of New Zealand (NZ) sa Camp Aguinaldo.
Sa pagpupulong ng dalawang opisyal noong Hunyo 10, nagpasalamat si Teodoro sa malakas na pagsuporta ng New Zealand sa Pilipinas.
Ikinalugod ng kalihim ang napapanahong pagpapalakas ng ugnayang pandepensa ng Pilipinas at New Zealand, bilang hakbang tungo sa negosasyon para sa Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA) sa pagitan ng dalawang bansa.
Pinuri naman ni Deputy Prime Minister Peters ang pag-angat ng relasyong pandepensa ng dalawang bansa bilang balwarte sa pagtugon sa mga hamon sa West Philippine Sea.
Binati din ni Minister Peters ang DND sa pagsulong ng mga positibong hakbang para labanan ang transnational organized Crime at palakasin ang kanilang “intelligence effort”. | ulat ni Leo Sarne