Magiging malinaw lang ang sinasabing pagtakbo Nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Congressman Paolo Duterte at Davao city Mayor Sebastian Duterte sa darating na Oktubre.
Sa Media Interview Kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr , magkaka- alaman sa susunod na apat na buwan kung lulusong ba sa pagka- Senador ang mag- aamang Duterte gayung Oktubre ang nakatakdang filing of candidacy.
Bukod SA kung sino ba talaga ang tatakbo, malalaman din Sabi ng Pangulo kung kaninong partido ang sasamahan ng mga Duterte, ano- Anong partido ang involved at ano- Anong partido Ang may alyansa.
Maaari namang Gawin ang pagtakbo ng mga Duterte dagdag ng Pangulo gayung nasa malayang Bansa ang mga ito at may kalayaang Gawin kung Yun man ang kanilang napagpasiyahan.
Kung 2028 Naman Ang pag- uusapan, sinabi ng Chief Executive na marami pa ang mangyayari Ngayon Hanggang sa nasabing taon. | ulat ni Alvin Baltazar