Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na bagaman mababawasan ang kita ng gobyerno sa Rice Tariff Reduction ay maibababa naman nito ang inflation bagay na magtutulak sa Policy Rate Cut ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay Recto, tinatayang nasa ₱22-billion ang mawawala sa government revenue dahil sa tariff cut, pero babawi naman ang paglago kapag nagbawas tayo ng interest rate.
Maaalalang inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang taripa ng inaangkat na bigas ng 15% mula sa 35%.
Paliwanag ng kalihim, kung bababa ang rice inflation na kumakatawan sa malaking bahagi ng consumer price index, posibleng magbawas ng interest rate ang BSP na magreresulta ng productivity at paglakas ng economic growth.
Nauna nang sinabi ni BSP Governor Eli Remolona na may posibilidad na lumuwag ang policy rate ngayong darating na Agosto. | ulat ni Melany Valdoz Reyes