Pinuri ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa pagtatatag ng ganap na automated Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Ang hakbang ng pamahalaang lungsod ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagbutihin ang bureaucratic efficiency at kadalian ng pagnenegosyo o East of Doing Business sa mga lokalidad.
Ang eBOSS ay isang online platform na nagsasama ng iba’t ibang mga aplikasyon ng business permit at pinapasimple ang proseso para sa mga negosyante.
Ang Baguio City ay pang-36 na LGU na nakatanggap ng pagkilala mula sa ARTA, na nagbibigay-diin sa pangako nito sa pag-streamline ng mga pamamaraan sa pagpaparehistro ng negosyo. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DTI CAR