Nakikiisa ang Office of the Vice President sa pagdiriwang ng ika-126 Araw ng Kalayaan.
Sa mensahe ni Vice President Sara Duterte, kanyang sinabi na ang araw na ito ay isang pag-alala at pagkilala sa ating mga bayani, sa lahat ng sakripisyo nila para sa ating kalayaan at kasarinlan.
Kasunod nito, binigyang diin ni Duterte na ang Araw ng Kalayaan ay paalala rin sa bawat isa na ipagpatuloy ang pagtutulungan at pagkakaisa.
Mahalaga aniya ito para makamit ang isang matatag, mapayapa, at maunlad na bansang Pilipinas.
Pinangunahan ng Pangalawang Pangulo ang Araw ng Kalayaan sa Davao City. | ulat ni Jaymark Dagala