Naging mapayapa ang paggunita ng Salatu Eid’l Adha na nilahukan ng libo-libong mga Isabeleñong Muslim sa lungsod ng Isabela sa Basilan kahapon.
Inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Isabela katuwang ng Basilan Ulama Council ang isinagawang congregational prayer na idinaos sa Isabela City Grandstand.
Nagsilbing imam, pinangunahan ni Dr. Aboulkhair Tarason ang nasabing pagdarasal habang isang khutbah naman ang ibinigay ni Ustadz Munir Muluk matapos ang taimtim na dasal.
Ang Eid’l Adha o Pista ng Sakripisyo ay isang pangunahing sagradong araw na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga