Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na nagsasagawa ngayon ang Marcos Jr. administration ng iba’t ibang hakbang upang palakasin ang paglikha ng de-kalidad na trabaho sa bansa.
Ayon kay Recto ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Executive Order para pabilisin ang pagpapatupad ng 185 infrastructure flagship projects at “ease of doing business” ay magbubukas ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Inihahanda na rin aniya ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang medium and long term Foreign Investment Promotion and Marketing Plan (FIPMP) para iposisyon ang bansa bilang premier investment destination.
Ayon pa kay Recto, para naman suportahan ang manggagawa sa digital age, pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang kasalukuyang polisiya sa alternative work modes gaya ng Telecommuting Act.
Suportado rin ng pamahalaan ang pagsasabatas ng Apprenticeship Bill, Lifelong Learning Bill, at Enterprise Productivity Act upang i-equip ang mga mangagawa sa kinakailangan skills para sa trabaho.
Paliwanag ng kalihim, layon din ng mga naturang hakbang na masustine ang Labor market gains sa pamamagitan ng mas pinahusay na investment environment ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz Reyes