Agad tinugunan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang hiling ng pamilya ng nawawalang Pinoy crew na sakay ng MV Tutor.
Ayon sa OWWA, humihiling ng counselling ang pamilya para sa tatlong anak ng nawawalang tripulante na agad namang tinugunan ni OWWA Administrator Arnell Ignacio.
Ayon kay Ignacio, nakalatag na ang lahat ng suporta ng OWWA at iba pang ahensya ng gobyerno para sa pamilya ng naturang seafarer.
Paliwanag ng administrador, napakatibay na ng sistema ng OWWA dahilan para hindi na kayo bibigyan ng pagkakataong humingi pa.
Pangako nito, iniisip pa lang ng pamilya ay itutulong na at sosobrahan pa ng OWWA.
Nagpapasalamat naman ang pamilya ng nasabing seafarer at sa iba pang ahensya ng gobyerno, dahil hindi anila sila pinababayan sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon na kanilang hinaharap. | ulat ni Lorenz Tanjoco