Panawagan ng grupong BAYAN sa demilitarisasyon ng WPS, pabor sa China, ayon sa NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinuligsa ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya ang panawagan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) para sa demilitarisasyon ng West Philippine Sea bilang kontra sa pambansang interes.

Sa isang pahayag, sinabi ni Malaya na ang naturang panawagan ay papabor as China, dahil sila ang magsasamantala kung aalisin ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagbabantay sa mga okupadong teritoryo ng Pilipinas sa karagatan.

Giit ni Malaya, ginagawa lang ng AFP ang kanilang mandato na bantayan ang teritoryo at pangalagaan ang kaligtasan ng mga Pilipinong mandaragat, alinsunod sa international law, kaya walang dahilan na “mag-pull out” ang mga tropa.

Dagdag ni Malaya, walang basehan ang panawagan ng Bayan na umalis sa WPS ang Estados Unidos dahil walang naka-deploy na tropang Amerikano sa alinmang isla sa WPS, at ang pagdaan ng kanilang mga barkong pandigma ay alinsunod sa “freedom of Navigation” sa ilalim ng International Law.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us