Itinuturing ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na provocation o paghahamon na ang panibagong aksyon ng China sa West Philippine Sea.
Partikular na ang ginawang panghaharang ng China Coast Guard (CCG) sa resupply mission at medical evacuation ng Philippine Navy sa mga sundalo nating nasa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Para kay Tolentino, ipinapakita rin nito na desperado na ang China lalo na matapos ang naging matagumpay na biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa Shangri-la Defense Forum sa Singapore.
Ipinunto rin ng senador na ang ginawa ng CCG ay paglabag sa lahat ng batas pandagidigan, kabilang na ang humanitarian at Geneva convention laws.
Kaugnay nito, dapat aniyang muling maghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa naging aksyon ng China.
Hinikayat rin ni Tolentino ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ilabas ang timeline ng panghaharang ng CCG para pasinungalingan ang akusasyon ng China na ang ating sandatahang lakas pabang nanutok ng baril sa kanila. | ulat ni Nimfa Asuncion