Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hirap siyang makapagtalaga ng ipapalit kay Vice President Sara Duterte bilang kalihim sa Kagawaran ng Edukasyon.
Sa ambush interview sa Chief Executive, sinabi nitong kailangan niya pa ng panahon na makapagtalaga ng susunod na Department of Education (DepEd) Secretary.
Marami na aniyang dumaan sa kanyang curriculum vitae (CV) at maraming magagaling sa mga nadaanan niyang CV.
Kailagan lang talaga sabi ng Pangulo na ang mapili ay may malawak na kaunawaan sa larangan ng edukasyon.
Dagdag ng Pangulo, wala aniya siyang shortlist at kailangan lang talagang tama ang mailalagay sa departamento gayung napaka-komplikado ng trabaho ng DepEd. | ulat ni Alvin Baltazar